Sunday, September 5, 2010

Buhay ng Bio student

Ang buhay ng bio student? hmmm...

Siguro, para sa akin lang,

mahirap,..

katulad ko bumagsak na, hindi talaga madali.

parang feeling mo lagi kang inii-stretch sa limit mo. hanggang feeling mo, isa kang rubber band na dating elastic, naging plastic na kahihila. parang pagkatapos mong ma outrun yung sarili mo, kailangan mong tumayo ulit at i-outrun ulit yung record mo. goodness! nakakapagod.

Minsan nga, napapaisip ako kung sapat na ba na compensation na nalalaman ko, how things work around me. Why do flowers bloom, or how does a fish breathe?
sapat na ba na kabayaran sa ilang araw ng pagpupuyat yung malaman mo ang difference ng embolism, thrombism, at atherosclerosis?

hindi siguro.... pero para sakin, sapat na YATA yung intrinsic worth na naiibigay nung mga kaalaman na yun.


Masaya.

Masaya, pag nakikita mo na nagtitilian sila sa paghawak ng palaka;

pag nagjojoke kayong magkakaklase tungkol sa bio, at feeling ninyo kayo lang ang nakakaintindi nung joke ninyo;

Masaya,

pag malungkot ka tapos icocomfort ka ng mga Blockmates mong mag malala pa ang problema kaysa sayo;

pag umulan, tapos naririnig mong tumutunog ang vocal sacs ng mga male frogs na naghahanap ng mate;

pagdumaan ka sa tindahaan ng mangga at sinabi mong pakitanggal nga po ng pericarp;

pag nanood ka ng concert at sinabi mong, "nasa pith nga si Lady gaga at ako ay nasa may cork cambium na."

marami pa akong pwedeng ilagay kaso, over naman na sa haba.

What I want to say is...

Masaya, Masaya talaga.

No comments:

Post a Comment