Life is a ride. Naks! Ganda ng simula no? Bweno, ito ay post mula sa isang byahe sa fx.
Syempre, dahil walang masakyan, kahit siksikan, ipagpipilitan. Minsan, ganito sa totoong buhay, you have to push through, kahit ano pang mangyari. Minsan effort lang natin yung kailangan para magawa natin yung gusto natin. Kailangang makipagsiksikan kung baga.
Ang problema kasi, mataba ako. (I'd like to believe na hindi naman masyado).. Eh syempre, dahil, siksikan nga, at mataba ka, you will have to face the stern looks of the people around you. Parang sinasabing "wag ka na!!"o kaya "sikip na nga, sisiksik ka pa?". Pero minsan you have to ignore what other people say or think about you. You have to think selfishly (minsan lang naman!) para may marating ka nman sa buhay mo.(kung hindi, ehh di baka, di ako makakauwi di ba?)
so, ayun, on with the ride. Bumaba yung nasa tabi ko. (yay!) lumuwag! Yay! So habang wala pa akong katabi, sinasamantala ko yung pagrerelax. Take advantage of what you have or rather, UTILIZE it. Ito ay synonymous din, with, grab every opportunity that comes to you, you'll never know if the same luck comes twice.
So, ayun, tumigil yung sasakyan, may sumakay ulit. Sumikip na naman. This time, I plastered a smile on my face. It could be the time to look stern, and take a revenge. Pero sabi nga ng pinaka-gasgas na quote na alam ko, "do not do unto others, what you do not want others do unto you"
tapos napigtas yung tsinelas ko, (okay malas ko na talaga). Pero wala ehh, You have to be cool about things, hindi naman kasalanan ng tsinelas mo kung maputol man siya, di ba?
Nakatulog naman ako, kaya wala akong masyadong nakita, minsan kasi, "you have to keep your eyes open", because, you may not want to miss a thing. LOL.
So ayun nakababa na ko. Haha.. All of these things were typed inside the fx, la lang! :))
Monday, November 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment